Friday, September 2, 2011

If we ever meet (again)

Dear future boylet,

O pwede na rin sigurong future husband, isa ka na ba sa kanila o hindi pa tayo nagkakakilala? Kung alinman dyan sa dalawa, hayaan mo naman na iintroduce ko sa iyo ang sarili ko. Hello, ako si Rocel, pero pwede mo rin akong tawaging Tek o kaya babe, honey, sweetipie o kung ano mang endearment ang gusto mo pag close na tayo, sa ngayon makuntento ka muna tawagin ako sa pangalan ko.

Hindi naman ako mapili, pero kung ikaw ay isang bachelor na may trabaho na sumusweldo na 50% higher than my sweldo (wala pa akong trabaho ngayon pero I'm referring to my sweldo in the near future.), mapungay ang mata, hindi malaki ang katawan, matangakad, at may magarang kotse, yung wallet kahit hindi na doble doble ayos lang, basta yung passbook mo mahalaga. Hindi ako hopeless romantic na tao, hindi magiging requirement sa relasyon natin ang mag celebrate ng monthsary o anniversary, pero dapat hindi mo makakalimutan ang valentine's day, ang birthday ko at ang pasko, dun ka na lang bumawi sa regalo mo.

Higit sa kahit ano pa man, madali lang akong mapakilig, ang kailangan mo lang ay ang sarili mo at ang maganda mong ugali at sure yun, malalaglag na ang panty puso ko.

Nagmamahal,
your future girlaloo




No comments:

Post a Comment