Nakapunta ka na ba ng Europe? o baka naman taga dun ka? Sabi kase nila romantic place daw ang mga bansa sa Europe.. masaya daw, pero pag mag isa ka, sobrang lungkot.. Samahan mo naman ako dun, o kung taga dun ka na talaga, i-tour mo ako sa magagandang tanawin tulad na lang sa Champ de Mars para bisitahin ang La Tour Eiffel/iron lady o sa madaling salita Eiffel tower. Gusto ko sukatin kung totoo bang 324 metres yung heoght niya at gusto ko alamin sa sarili ko kung yun ba talaga ang second tallest structure sa France after ng Millau Viaduct.
Please dumaan tayo sa bridge na nasa ibabaw ng River Thames, na nag coconnect sa City of London and Southwark, sa central London para naman makita natin yung Southwark Cathedral sa dulo nito. At sa kabilang dulo naman, puntahan din natin yung Monument to the Great Fire of London, para masulit ang byahe.
Mahilig ka ba sa chocolate? Ako rin mahilig sa chocolate, gusto ko matikman yung gawa ni Jean Tobler na Toblerone, original mismo sa Switzerland.. Tapos mag lalasing tayo sa Barcelona, drink 'til we drop drama naten dun. Magpapakain tayo ng mga pakalat kalat na ibon sa Italy, magsisimba sa Vatican at higit sa lahat, gusto ko matry yung mga beach sa Europe tulad ng beach sa Myrtos, Greece o kaya Navagio beach sa Zakynthos sa Greece ulit. Hmmm.. ano pa ba? kulang ang ilang araw lang para malibot natin buong Europe pero meron naman tayon forever para makita lahat ng magagandang bagay sa bubong mundo ng magkasama.
P.S: libre mo na ang transpo, ang hotel, ang pagkain.. ako na bahala sa love, libre na rin yun.
Nagmamahal,
your future girlaloo